Monday, June 18, 2012

POST #18

Registered na ako :D

So it's monday at may class ako, laboratory class(Microbiology). 7 to 10 am. Akala ko magpapaintroduce yourself lang at magdidiscuss ng rules and policies kaso mali ang akala ko. After kami ibrief about the course, nagclass kami so epic fail yung plano ko na maagang pumili sa bangko. Pero masaya yung first class namin parang gusto ko na tuloy maging microbiologist hehe. Microscope pa lang naman ang topic namin at tumingin sa specimen Saccharomyces cerevisiae or yeast. Nagamit nanamin ito sa pagluluto sa major courses ko pero ayun pala itsura nun under the microscope (mangha lang hehe) Nakakatuwa kasi napili yung  microscope na pinokus ko :D yey! After ng class namin, pumunta ako kay Tita Lou para magpasukat sana for our clinical uniform sa totoo lang excited ako! kaso pagpunta ko wala siya :| Pumunta na lang ako sa bangko, kumuha ng number kay manong guard pang 116 ako! nakakawalang pag-asa tapos narinig ko pa ang number palang sa nag-iisang teller for our payments ay number 60 pa lang. 9:30 ako nasa bangko pero 11:30 na ako natapos, imagine gaano kasakit yung paa ko >.< Kaya naman yung dapat na magkikita kami ni Carlo sa Mariang Banga ay naging sa C park na lang kasi naman ang sakit na ng paa ko at nanlalambot na ko that time. So yun sinamahan akong kumain ni Carlo, gutom na gutom na talaga ako nun haha! tapos sinamahan ko si Carlo sa barber shop pero may tao pa kaya bumili muna kami ng chemistry book niya, pumunta sa teacher sa zoo para magprerog siya at kumuha ako ng classcards(another pila nanaman -___-) Dahil sa sobrang pagod na ako at paltos na yung paa ko, umuwi muna ako sa dorm bago ako umuwi :)

pinaka ayaw ko talaga ang registration period sa UP. Ang hirap pumili at maghintay.Ang sakit sa paa...super!









Subscribe to Our Blog Updates!




Share this article!

No comments:

Post a Comment

Return to top of page
Powered By Blogger | Design by Genesis Awesome | Blogger Template by Lord HTML