Humahanga ako sa mga maraming bagay dito sa mundo. Kahit sa simpleng bagay lang, minsan talaga mapapaisip ka kung paano nga ba talaga nangyari o nagkaroon ng ganito. Katulad na lang ng mga halaman na parang may body clock kung hindi ka naman nakapag-aral at ang inosenteng isipan mo lang ang paiiralin, hindi ba mamamangha ka naman talaga at hahanga sa nagagawa nito. Marami akong hinahangaan sa mundong ito gaya ng mga single moms na iniwan ng asawa nila para magtrabaho o ng tuluyan. Hanga ako sa dedikasyon na mayroon sila para sa kanilang mga anak, sa pag-aalaga at pagsasantabi ng sarili nilang pangangailngan paa matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya. Marahil ang iba ay namulat sa maagang pagkakaroon ng anak, hindi nila ginawang hadlang and kanilang edad at katayuan para ipakita sa taong nasa paligid nila na kaya nila at mas kakayanin pa. Humahanga din ako sa mga batang masisipag na pumapasok sa eskwela sa kabila ng kahirapan at kasalatan sa mga bagay na materyal ngunit nagpapatuloy pa rin sa pagpasok. Minsan nga naisip ko kapag humihingi ako sa magulang ko ng pera o gustong gamit,bakit kaya hindi ako makuntento sa mga bagay na meron ako? Di ba sapat naman ito at marahil ay sobra pa kumpara sa mga taong wala talaga at tanging ang baryang natira ko lamang sa bulsa ang mayroon para sa buong araw? Talagang mapapaisip ka minsan kung bakit hindi yung mga taong may mabuting layunin sa buhay ang salat at walang magawa. Hindi talaga lahat ay naibibigay ng ating mga magulang. Maaring nabibigayan nila tayo ng mga materyal na bagay sa kabilang banda naman ay salat tayo sa pagmamahal o sa pagkalinga gayunpaman, hinahangaan ko pa rin ang aking mga magulang. Simula pagkabata ko ay nakita kung gaano sila kasipag at mapagmahal. Nakita ko yung paano nila ako protektahan, lambingin kapag nagtatampo at tinuruan ng mga bagay dapat kong malaman. Kaya naman saludo at hinahangaan ko sila.
#TAGALOG :)
No comments:
Post a Comment